Hindi ko alam kung paano ko nagagawa..pero mukhang natatapos ko ang mga kelangan gawin. Nakakapagod lang talaga.
Monday (March 26):
EDSP 129 Final Exam -sobrang favorite ko si Teacher Therese pero matrabaho talaga ang essay exams niya.
Tuesday (March 27):
EDSP 124 Mock Conference for Assessment and IEP Presentation -buti na lang magkasundo kami ng groupmate ko dito =) nakakatakot pero okay naman ang kinalabasan =)
Wednesday (March 28):
Group Meeting with Mommy Jo for EDSP 124 IEP
Review Session ng EDRE 146 Paper & Exam with Mommy Jo din..hehe =)
AT, approved na ng Math Department na gawin GE ang mga Math courses ko nung second year! Kung okay lahat ng subjects ko this semester, 13 units na lang next sem!! =) woohoo!! =)
Thursday (March 29):
EDL 111 Final Exam -nakakapagod sumagot ng isa pang essay exam.
EDRE 146 Final Exam -mahirap din. sobra. mukhang invalid ang test na binigay sa amin..hehe..
EDRE 146 Final Paper: Test, Test Statistics and Analysis -ang dahilan
kaya hindi ako masyadong nakapag-aral sa mga exam
Meeting with Bro Junjun: Mabuti na lang at nagkita kami para pag-usapan ang recollection for CSC choir. Parang madami ata akong nakwento sa kanya. Hehe. Buti na lang mabait si Bro Junjun. =)
Friday (March 30):
CW 140 Character Profile: Essay about Bro. Ernald =) masaya to!
CW 140 Essay about children with autism. sana magamit ng mabuti ang mga research at interview na ginawa uli. Haha. Dahil madalas ko ng nakakausap ang mga teacher assistants for children with autism (pati na rin MR) at madalas ko pang nakakasama ang mga students, mukhang ito na talaga ang pipiliin kong specialization. =) sana malaman ko na kung ano talaga ang gusto kong gawin.
EDSP 124: IEP -ang pinaghihirapan namin ni Mommy Jo
Monday (April 2):
EDSP 129 Universal Lesson Plan -hindi ko pa nasisimulan to!! pero mukhang masaya siyang gawin. gagawa kami ng lesson plan for mainstreaming. 15 students sa class, isang may visual impairment, isang may hearing impairment, at isang may wheelchair bound. matrabaho kasi titignan talaga ang bawat abilities ng lahat ng students (kelangan gumawa ng profile for each student)..pero masayang gawin. =)
EDSP 129 Reaction Paper
EDSP 124 Psychoeducational Assessment -hay. eto ang pinaghihirapan ko for almost half of the sem. Pabalik balik sa Speciabilities at pangugulit sa kanilang secretary, teachers, at teacher assistants. Sana okay ang kakalabasan.
EDSP 124 Reaction Paper
Malapit na matapos!! Andami rin palang nangyayari. Hindi pa kasama yung nangyari din last week. Hehe. Isa pang toxic week yun. Malapit na naman matapos ang sem! =)